Huwebes, Nobyembre 10, 2016

KABIHASNANG ROMAN


HEOGRAPIYA AT ANG KABIHASNANG ROMAN

Naging  mas mainam ang paglalakbay at pakikipagkalakalan sa kabihasnang Roman sapagkat hindi kasing tatarik ng mga kabundukan ng Greece ang bulubundukin sa Italian Peninsula. Para matugunan ang pangangailangan ng mga Roman mas maraming lupain din ang napagtamnan. Ang Italy ang napaligiran ng mga dagat. Nakatulong ang mga dagat sa pakikipagkalakalan ng mga sinaunang Roman sa iba't ibang kabihasnan sa Mediterranean. Naging daan ang Ilog Tiber upang madaling maiangkat ang mga produkto sa Rome.

SINAUNANG ROME

1000-500 B.C.E. - Sa pagitan nito nagtatag ng mga sinaunang pamayanan sa Italian Peninsula ang tatlong pangkat ng tao. Ang mga Latin, Greek at Etruscan.
1000 B.C.E. - Nandayuhan ang pangkat ng mga Indo-European, ang mga Latin, sa Italy.
Latium - dito sa rehiyon na ito sila nanirahan. Sa magkabilang panig ng Ilog Tiber.
Latin - sila ang itinuring na mga unang Roman. Dahil sila ang nagtatag ng mga unang pamayanan  sa Rome, sa Palatine Hill.
750-600 B.C.E. - nandayuhan at nagtatag ng mga kolonya ang mga Greek sa timog Italy at sa Sicily.
650 B.C.E. - sinakop ng pangkat na ito ang Latium.

PAMUMUNO NG MGA ETRUSCAN

Haring Etruscan - pinamunuan ang mga pamayanan sa Latium sa loob ng mahigit isang siglo.
Pamilya Tarquin - naging pinakamakapangyarihang angkan ng mga Etruscan.
Forum o plaza - Isang ambag ng mga Etruscan. Ito ang naging sentro ng buhay pampolitika , panlipunan at pangkomersyo ng mga Roman. Dito sila nagsagawa ng mga pagpupulong at iba pa.
Republika - isang pamahalaang pinamumunuan ng mga opisyal na inihalal ng mga mamamayan.
509 B.C.E. -  matagumpay na nakamit ng mga Roman ang kalayaan matapos mapatalsik ang huling haring Etruscan na si Tarquin the Proud.

ANG REPUBLIKA NG ROME

Patrician - sila ay mga maharlika at mga nagmamay-ari ng malalaking lupain
- mayroon silang karapatan na manungkulan sa pamahalaan
Plebeian -  ay kabilang sa mga pamilyang huling nanirahan sa Rome
- magsasaka, manggagawa at mangagalakal
- wala silang karapatan na manungkulan sa pamahalaan
Pareho silang may karapatang maghalal ng pinuno at tungkuling magbayad ng buwis at maglingkod sa hukbong Roman.

ESTRUKTURA NG PAMAHALAAN

Konsul - nangasiwa sa bawat aspekto ng lipunan sa Rome
- limitado ang kanilang kapangyarihan
- isang taong panunungkulan
May kapangyarihan sila na tutulan o i-veto ang pasiya ng isa pang konsul.
Senado - binuo ng 300 kasaping patrician
- panghabambuhay na panunungkulan
- tungkulin nila gumawa ng batas
Diktador - may ganap na kapangyarihan na gumawa ng batas at pamunuan ang hukbong sandatahan
- anim na buwang panunungkulan

HUKBONG SANDATAHANG ROMAN

Legion - malaking pangkat ng hukbong sandatahan ng Rome
- binuo ng may 6000 legionary o sundalong Roman
Century - binuo ng may 60 hanggang 120 legionary
- tawag sa mas maliit na yunit ng legionary

KARAPATAN NG MGA PLEBEIAN

494 B.C.E. - nagprotesta ang mga plebeian dahil sa limitadong karapatang makilahok sa pamahalaan. Itinatag din ang isang asamblea sa panahong ito.
Tribune - binuo ng sampung kasapi
- may kapangyarihang gumawa ng batas para sa mga plebeian
- nagkaroon din sila ng kapangyarihang gumawa ng batas para sa Republika
451 B.C.E. - tagumpay para sa mga plebeian ang pagtatatag ng Twelve Tables
Twelve Tables - mga batas na nakasulat sa 12 tableta. Ipinaskil ito sa Forum
Natapos ang kaniya-kaniyang interpretasyon ng mga batas at naitaguyod din ang karapatan ng mga Plebeian dahil sa Twelve Tables.

PAGLAWAK NG KAPANGYARIHANG ROMAN

265 B.C.E. - matagumpay na napasakamay ng mga Roman ang buong Italian Peninsula maliban sa Po Valley.

Ninais ng mga Roman na maging makapangyarihan sa buong Mediterranean pagkatapos ng pananakop sa Italian Peninsula. Ninais din nilang makamit ang kontrol sa kalakalang pandagat. Para magawa ito, tinignan nila ang Sicily bilang mahalagang bahagi ng layuning imperyalista. Sa hangaring ito naging mahigpit na katunggali ng Republika ang matatag na Imperyong Carthagian.

MGA PUNIC WAR

264 B.C.E. - Ang tunggalian ng Rome at Carthage para sa Sicily at sa kanluran ng Mediterranean ay humantong sa Unang Punic War. Tumagal ito ng 23 taon.

241 B.C.E. - Nagapi ng Rome ang mga Carthage at nakamit ang Sicily bilang unang lalawigan ng Republika.

Sa pagnanais na makapag higanti.Si Hannibal na heneral na Carthaginian. Pinamunuan ang hukbo ng 59 000 sundalo at 60 elepanteng pandigma. Upang linlangin ang kalaban, nilandas ng hukbo ni Hannibal ang mahabang ruta mula Spain,France at patawid sa Alps, upang sakupin ang Italy. Ito ang naghudyat sa  Ikalawang Punic War noong 218 B.C.E.

216 B.C.E. - Nakamit ng Carthaginian ang pinakamalaki nilang tagumpay sa Cannae

Nakatagpo ng katapat si Hannibal kay Scipio, heneral at konsul ng Rome. Dahil sa estratehiyang ginawa ni Scipio, napilitan si Hannibal na umatras patungong Carthage upang ipagtanggol ito laban sa sumasalakay na hukbong Roman.

202 B.C.E. - nagwakas ang Ikalawang Punic War, dahil sa pagkatalo ni Hannibal sa Zama. Napasakamay ng mga Roman ang Spain at ginawang lalawigan ng imperyo.

        Paglipas ng 53 taon ay sariwa pa rin sa alaala ng mga Roman ang pagwasak ng mga Carthaginian sa Rome.

149 B.C.E. - Sinalakay ng mga Roman ang Carthage at nagsimula ang Ikatlong Punic War.
Ito ay bunsod ng pambubuyo ng maimpluwensyang senador na si Cato sa mga Roman na "wasakin ang Carthage." Sinunog ng mga Roman ang lungsod at ipinagbili bilang alipin ang 5000 na naninirahan dito. Ginawang lalawigan ng Rome ang Carthage.

70 B.C.E. - nakamit ng Republika ang tugatog ng kapangyarihan. Matapos masakop ang kanlurang Mediterranean  ay sinunod naman nila ang Silangang Mediterranean. Sinakop naman nila ang Macedonia, Greece at Pergamun sa Anatolia. Itinuring ng mga Roman ang Mediterranean Sea na mare nostrum o "ang aming dagat."

PAGHINA NG REPUBLIKA

Kasabay ng paglawak ng teritoryong Roman ay ang paghina ng katatagan ng Republika. Lumaki ang agwat ng mayayaman at mahihirap. Tumaas din ang bilang ng mga mahihirap. Ito ay dahil sa pag-iral ng korapsyon at katiwalian sa pamahalaan. Kasabay nito ang pagkakaroon ng latifundia.

Latifundia - "malaking hacienda"
Sphinx - isang malaking estatwa na may katawan ng leon at ulo ng tao

Bahagi ng Sphinx ng Great Pyramid of Giza. Ang Valley of the Kings naman sa Thebes ay ipinagawa upang maging libingan ng mga Pharaoh ng bagong kaharian. Nawala ng sakahan, tirahan, at kabuhayan ang maraming sundalo at karaniwang magsasaka. Ang kalagayang ito ang pinagmulan ng tensiyon sa pagitan ng mayayaman at mahihirap.

MGA REPORMISTA

Ang magkapatid na Gracchus ang nagnais na malutas ang suliranin sa kahirapan.
Tiberius - Iminungkahi ni Tiberius na liitan ang sukat ng mga latifundia at ipamahagi ang ibang lupain sa mahihirap.
Gaius - Sinuportahan ang pagbabalik ng lupain sa mga magsasaka at ang pagpapababa sa presyo ng bigas.
       
                 Unang Triumvitrate ay natatag dahil sa pag-aaway ng senado. Ito ay kinabilangan nina Julius Caesar, Pompey the Great at Marcus Crasus. Ngunit sila mismo ay hindi nag kasundo-sundo at nag patayan din.
                Nang mabuwag ang Unang Triumvirate ay nabuo ang ikalawa na kinabilangan nina Octavian (Augustus Caesar), Marcus Lepidus at Anthony. Sumama si Mark Anthony kay Cleopatra VII at nag karoon ng anak. Datapwat, si Anthony ay kasal sa kapatid ni Octavius kaya pinaslang nito ang buhay ni Anthony at sumunod namang nag pakamatay si Cleopatra at Sumiklab ang digmaan ng Senado.
                Nag retiro si Marcus Lepidus sa Katungkulan at naiwan si Octavian na iprinoklama ang sarili na kauna-unahang Emperador ng Emperyong Romano, at tinawag siyang Augustus Caesar.


ANG IMPERYONG ROMAN

Sa pamumuno ni Augustus Caesar ay tinamasa ng Rome ang kapayapaan at kasaganahan. Tinagurian ang panahong ito na Pax Romana o "kapayapaang Roman." Tumagal ito ng mahigit 200 taon.

PAX ROMANA AT ANG KULTURANG ROMAN

Kinakitaan ang Pax Romana ng pag-unlad sa ekonomiya. Naging mayabong rin ang kalakalan sa imperyo. Ang mga karaniwang mamamayan ay umangat ang buhay.

KOMUNIKASYON AT TRANSPORTASYON

Naging madali at ligtas ang paglalakbay sa lupa at sa dagat. Dahilan din ito upang lumaganap ang Kristiyanismo. Latin ang opisyal na wika dito at ginagamit din ang Greek.

KARAPATAN NG KABABAIHAN

Nakamit ng mga kababaihan ang higit na kalayaan at karapatan sa lipunang Roman. Nakapaghanapbuhay rin sila, ngunit wala pa rin silang karapatan bumoto.

EDUKASYON

Pribado ang pag-aaral ng mayayamang Roman. Geometry, astronomiya, pilosopiya at pagtatalumpati ang kanilang pinag-aralan. Pagsulat, pagbasa at pagkompyut naman ang pinag-aralan ng mga karaniwang mag-aaral.

PANITIKAN

Cicero - may akda ng mga talumpati at aklat sa retorika
Ovid - may akda ng Metamorphoses
Virgil - may akda ng Aeneid
Livy - may akda ng kasaysayan ng Rome
Tacitus - tumuligsa sa paniniil ng mga Julian Emperor

PANINIWALA

Pinaniwalaan ng mga Roman na katulad ng  tao ang kanilang diyos subalit na may mahikal na kapangyarihan. Katulad din ng mga diyos at diyosang Greek, ngunit iba ang tawag sa kanila.
Jupiter   -  diyos ng kalangitan
Juno -    asawa niya si Jupiter
Neptune - diyos ng karagatan
Minerva - diyosa ng karunungan
Venus   -   diyosa ng pag-ibig si Venus
Mars   -     diyos ng digmaan
Pluto    -   diyos ng underworld

LIBANGAN

-Karera ng Chariot 
-labanan ng mga gladiator sa isa't-isa o sa mababangis na hayop
-Ang gladiator ay karaniwang alipin o bilanggo.

ARKITEKTURA

Colosseum - dito isinasagawa ang mga labanan ng gladiator
Circus Maximus - isang stadium para sa karera ng mga chariot
Pantheon - templo na ipinatayo ni Hadrian
Aqueduct - estrukturang nagdadala ng tubig mula sa mga ilog patungo sa mga lungsod
Appian Way - pangunahing kalsada na nag-uugnay sa Rome

Si Augustus Caesar ang tinaguriang pinakadakilang empe-rador ng Pax Romana. Dahil sa kawalan ng batas ay muling nabalot ng digmaang sibil ang imperyo. 

MGA EMPERADOR MATAPOS NI AUGUSTUS CAESAR

Ang sumunod na apat na emperador ay tinaguriang Julian Emperors. Naging mapang-abuso at mahihina ang mga Julian Emperors. Sila ay ang mga sumusunod:

Tiberius -diktador na kinatakutan dahil sa kaniyang kalupitan
Caligula - may mahinang pag-iisip
Claudius - mahina at matatakutin
Nero - malupit na pinuno at maaring wala rin sa katinuan

69-96 C.E. - nakamit ng pamilya Flavian ang pamamahala sa imperyo. Sila ay sina Vespasian, Titus at Domitian.

Sa ilalim ng Dinastiyang Flavia, isinaayos ang pamamaraan ng pananalapi. Sumunod na pinamunuan ang imperyo ng tinaguriang Limang Mahuhusay na Emperador. Sila ay ang mga sumusunod: 

Nerva - nagpasimula sa pagmamana ng katungkulan sa pagiging emperador
 Trajan - lumawak ang teritoryo sa ilalim ng kanyang pamumuno
Hadrian - pinalakas niya ang hukbong Roman
Antoninus Pius -napanatili ang kasaganaan at kapayapaan sa imperyo
 Marcus Aurelius - nagtaguyod ng pamumuhay ayon sa banal na kalooban ng Diyos

Diocletian - nagpatupad ng mga reporma
                     - tinaasan ang mga bilang at sahod ng mga legionary
                     - ipinatupad ang Edict of Prices
Constantine - unang kristiyanong emperador ng Rome
                        - nagpatuloy sa mga reporma ni Diocletian
330 C.E. - inilipat niya ang kabisera ng Silangang Imperyong Roman sa Byzantium (kasalukuyang Istanbul sa Turkey)
             Bilang parangal kay Constantine tinawag itong Constantinople.

PANANALAKAY NG MGA BARBARO

300 C.E. - pagsalakay ng tribong Germanic sa Imperyong Roman. Tinagurian sila ng mga Roman na barbaro o "hindi sibilisado"

              May dahilan ang mga barbaro sa pagtungo sa kanluran, dahil sa mainam na klima sa imperyo, paghangad ng yaman at pagtakas mula sa bagsik ng mga Hun.

410 C.E. - sinalakay ng mga Visigoth sa pamumuno ni Alaric ang Rome. Kalaunan, sa Gaul at Spain nagtatag ng kaharian ang pangkat na ito.

488 C.E. - Nagtungo ang mga Ostrogoth sa Italy. Doon sila nagtatag ng kaharian sa pamumuno ni Theodoric the Great.

452 C.E. - Sinalakay ng mga Hun ang Rome sa pamumuno ni Attila. Subalit, sa pagkamatay ni Attila ay hindi nila tuluyang nasakop ang Rome.

              Ang mga Vandal ay nagtungo sa Spain at Africa sa pamumuno ni Genseric, sinakop ang Rome taon 455 C.E.
              Noong ikalimang siglo C.E. sinalakay ng mga Jute at Anglo-Saxon ang Roman Britain. Nagtatag ng kaharian sa Gaul ang mga Frank.

476 C.E. - tuluyang bumagsak ang Rome nang salakayin ito ni Odoacer, isang mandirigmang German at naging unang haring barbaro. Pinatalsik niya sa trono si Romulus Augustus. Ang pangyayaring ito ang nagpabagsak sa kanlurang Imperyong Roman.

Martes, Nobyembre 8, 2016

KABIHASNANG GREEK


HEOGRAPIYA AT BUHAY SA SINAUNANG GREECE

                 Mabato at binuo ng kabundukan ang malaking bahagi ng sinaunang Greece. Naging dahilan ito upang maging watak-watak ang mga sinaunang pamayanang Greece. Naging mahirap ang paglalakbay ng mga Greece sa tangway dahil dito. Ngunit, nakatulong ito laban sa mga pagsalakay. Napalibutan din naman ang Greece ng mg dagat. Ang Aegean Sea, Ionian Sea, at Mediterranean Sea. Higit na naging madali ang paglalakbay nila sa dagat kaysa sa lupa. Nakipagkalakalan din sila dahil sa kakapusan sa likas na yaman.

Nahati sa dalawa ang sinaunang Greece. Ang mga Minoan at Mycenaean.

MINOAN

                Hango ang pangalan na ito kay Minos, ang maalamat na hari ng Kahariang Minoan. Ang Knossos naman ang kabisera ng kaharian. Dito natagpuan ni Arthur Evans ang guho ng isang palasyo. Nasalamin sa naturang palasyo ang marangyang pamumuhay at maunlad na kultura ng mga Minoan.

Sapagkat gawa ang palasyo sa makinis na bato, kahoy at tanso. Mayroong labyrinth o liko-likong lagusan dito. Mayroon din itong drainage system at mga pader na napalamutian ng mga fresco. Ang fresco ay ipinintang larawan gamit ang watercolor sa basang semento. Napagtantuhang mahilig magsaya at makipaligsahan ang mga Minoan, halimbawa sa pamamagitan ng bull-leaping.

1400 B.C.E.- 1200 B.C.E. - Nakamit ng kabihasnang Minoan ang tugatog ng kapangyarihan.

200 taon - matapos nito ay bumagsak ang kabihasnan dahil sa isang sakuna.

MYCENAEAN

1900 B.C.E. - Nagsimulang maglakbay ang mga Mycenaean mula sa gitnang Asya patungong Europe.

               Nagmula sila  sa lahing Indo-European. Nagtungo sila sa Balkan Peninsula at tuluyang nanirahan sa Peloponnesus, isang tangway sa timog na bahagi ng Greece.

1400 B.C.E.-1200 B.C.E. - Naging makapangyarihan ang mga Mycenaean.

               Karaniwang mandirigma ang mga Mycenaean. Pinamunuan sila ng isang haring mandirigma. Mataas na pader ang nakapaligid sa kanilang lungsod, mahigit 15 metro ang taas neto. Naging proteksyon din ito laban sa mga mananakop. Nagkamal ang mga Mycenaean ng teritoryo at kapangyarihan sa pamamagitan ng pananakop at pananalakay. Kalaunan ay nasakop din nila ang Crete.

TROJAN WAR

                Ayon sa maalamat na salaysay ni Homer, nag-ugat ang Trojan War sa pagdukot ng prinsipe ng Troy na si Paris kay Helen, asawa ni Haring Menelaus ng Sparta. Si Menelaus ay kapatid ng hari ng Mycenae na si Agamemnon. Isang malaking kabayong kahoy ang naging dahilan upang mapasok ang lungsod ng Troy. Sa loob  nito pinagtago ang mga sundalong Greek. Sa pagsapit ng gabi, madaling nagapi at napaslang ng mga Greek ang mga Trojan na pagod at lasing.

1870 - natuklasan ni Heinrich Schliemann ang isang guho ng isang lungsod na tinatayang nagmula noong panahong iyon.

PANAHON NG KARIMLAN

11oo B.C.E. - tuluyang bumagsak ang kabihasnang Mycenaean. Ito ay dahil sa paglusob ng mga dayuhang mandaragat. Ang sumunod na 300 taon ng kasasayang Greek ay tinaguriang Panahon ng Karimlan.

              Sa panahong ito, nandayuhan ang mga Dorian sa Greece. Lumikas naman ang ilang Greek mula sa Greece patungo sa Ionia at iba pang pook na karatig sa Asia Minor. Nabalot ng kaguluhan at karahasan ang Greece patungo noong Panahon ng Karimlan. Nawalan ng sigla ang kalakalan at bumagsak ang kabuhayan. Naging mabagal din ang pag-unlad ng kultura. Nalimot din ang pagsulat at paglilok.

750 B.C.E. - Nagwakas ang panahon ng karimlan sa muling pagpapakilala ng mga Ionian Greek ng kulturang Greek sa kalakhang Greece. Ito ang nagpasimula ng Panahong Hellenic.

PANAHONG HELLENIC

800 B.C.E.-338 B.C.E. - Naganap ang Panahong Hellenic. Tinawag ng mga sinaunang Greek ang kanilang sarili na "Hellenes." Hango ang salitang ito sa pangalan ni Helen, pinaniwalaang ninuno ng mga sinaunang Greek.

ANG POLIS

                  Sa panahong ito, kinakitaan ng pag- unlad ang mga pamayanan ng Greece bunsod ng pagsila ng kalakalan. Naging daan ito sa pagbuo ng mga bayan. Ang ilan sa mga bayan na ito ay naging lungsod estado o polis.

SPARTA (Dorians)

⦁ Lokasyon: Laconia
⦁ Pangkabuhayan: Mangangalakal
⦁ Edukasyon: Pagiging Militar

ATHENS (Ionians)
⦁ Lokasyon: Attica
⦁ Pangkabuhayan: Mandaragat
⦁ Edukasyon: Kalalakihan
  1. Iliad at Odyssey
  2. Retorika
  3. Public Speaking
  4. Matematika
 Ang mga kababaihan ay nakatuon lamang sa gawaing bahay.

PAGKAKAIBA AT PAGKAKAPAREHO NG SPARTA AT ATHENS

                                   SPARTA
⦁ Kalalakihang Spartan - naglingkod bilang mandirigma
⦁  Kababaihan - karaniwang atleta at tungkulin nilang magsilang ng malulusog na anak
⦁ Ipinagbawal sa kanila ang pagpapakita ng emosyon
⦁ Iniwasan din nila ang pilosopiya, agham at sining. Naging dahilan ito upang hindi umunlad ang aspektong kultural ng Sparta.
⦁ Isang estado-militar
⦁ Pinamumunuan ng Haring militar
⦁ Nananakop
⦁ Nakatuon sa militarismo
⦁ Hindi pwedeng magpunta kung saan-saan

                            PAGKAKAPAREHO
⦁ Pagiging matanyag at maunlad sa mga Polis ng Greece

                                 ATHENS
⦁ Pwedeng magpunta kung saan-saan
⦁ Demokratikong estado
⦁ Inihanda ang mga kalalakihan upang maging pinuno
⦁ Hindi nananakop
⦁ Nakatuon lamang ang mga babae sa gawaing bahay
⦁ Hindi pinayagan ang mga babae na mag-aral
⦁ Pagsasalita sa harap ng publiko


Ikaanim na siglo B.C.E. - sinakop ng mga Persian ang polis ng Ionia. Nagapi rin ng mga Persian ang mga ito kahit na tinulungan sila ng iba pang mga Ionian Greek. Pinarusahan ni Haring Darius I ng Persia ang mga Greek sa pamamagitan ng pagwasak sa Greece.

490 B.C.E. - Nagsimula ang Graeco-Persian War. Sa labanang ito nagapi ang 25,000 Persian ng mga 10,000 mandirigmang Athenian.

480 B.C.E. - Naganap ang sumunod na sagupaan sa isang makitid na mountain pass sa Thermopylae.

⦁ Haring Leonidas - Sa pamumuno niya, ito nagtagpo ang may 300 sundalong Spartan at 200,000 Persian. Sa pagkamatay ni Darius ay pinalitan siya ng kanyang anak na si Xerxes.

Nagapi ang mga Spartan dahil sa isang traydor na Greek. Matapos nito, sinakop ng mga Persian ang Athens at sinunog ang Acropolis. Nagpatuloy ang labanang Greek at Persian. Ginapi ng mga Spartan ang natirang mandirigmang Persian sa Plataea. Naging hudyat ito sa pagwawakas ng Graeco-Persian War.

GININTUANG PANAHON NG ATHENS

Umangat ang katayuan ng Athens dahil sa tagumpay ng mga Greek laban sa mga Persian.

478 B.C.E. - Pinamunuan nila ang itinatag na Delian League. May 140 kasaping polis ang liga.

Ang layon ng Delian League ay patatagin ang depensa ng Greece laban sa mga Persian. Pinalaya ng liga ang ilang polis na sinakop ng mga Persian.

461-429 B.C.E. - Sa panahong ito natamasa ng Athens ang kanyang ginintuang panahon sa pamumuno ni Pericles. Tinawag din itong "Panahon ni Pericles." Pinatatag din niya ang pagiging demokratiko ng Athens. Pinalakas din niya ang hukbong pandagat at napaunlad ang kalakarang pandagat nito.
 Ipinagawa ni Pericles ang mga nasirang estruktura sa Athens. Ipinagawa rin sa panahong ito ang Parthenon, isang templo para sa diyosa ng karunungan at patron ng Athens na si Athena.

ANG TUNGGALIANG ATHENS AT SPARTA

  Nangamba ang ibang polis dahil sa lumalawak na impluwensya ng Athens. Sa pangunguna ng Sparta binuo nila ang Pelopponesian League.

431 B.C.E. - Humantong sa Pelopponesian War ang hidwaan ng Athens at Sparta.

404 B.C.E. - Nagapi ang mga Athenian ng Pelopponesian League. Bagama't nagwakas ang digmaan sa pagkagapi ng Athens. nanatili pa rin ang hidwaan sa pagitan ng Athens at Sparta.

PANANAKOP NG IMPERYONG MACEDONIAN

339 B.C.E. - Nagtagumpay ang Macedonian sa pagsakop sa Greece. Matapos maluklok bilang hari  si Philip II. Nagtatag siya ng isang malakas na hukbo.

338 B.C.E. - Nasakop niya ang Greece nang magapi ang mga Greek sa Battle of Chaeronea. Nagwakas ang Panahong Hellenic at nagsimula ang Panahong Hellenestic sa pagsakop ng Imperyong Macedonian sa Greece.

PANANAKOP NI ALEXANDER

336 B.C.E. - Pataksil na pinaslang ni Philip II ng kanyang mga tauhan.
Pinalitan siya bilang hari na kinilala sa kasaysayan bilang "Alexander The Great" ang anak na si Alexander.

PAGPAPALAWAK SA IMPERYO

⦁Alexander - sa ilalim ng pamumuno niya ay nasupil ang mga rebelyong Greek sa imperyo. Naisakatuparan niya ang hangarin ng ama na pabagsakin ang Imperyong Persian. Tinupad din niya ang ambisyong palawakin ang imperyo.

PAGLAGANAP NG KULTURANG HELLENISTIC

  Maging ang kulturang Greek ay napalawak ni Alexander. Nabuo ang kulturang Hellenistic mula sa paghahalo ng kulturang Greek at Asyano.

⦁ Panahong Hellenistic - hindi natali ang katapatan ng mga mamamayan sa kanilang Polis.

  Binuo ng mga Greek ang pinakamataas na antas ng tao sa lipunang Macedonian. Nagtamasa ang mga kababaihan ng mas mataas na katayuan sa lipunan. Nagkaroon sila ng karapatang mag-aral, makapaglakbay at makapaghanapbuhay.


323 B.C.E. - Namatay si Alexander, ngunit nagpatuloy ang paglaganap ng kulturang Hellenistic.

MGA PAMANANG GREEK
                Nahati sa dalawa ang kulturang nabuo sa Greece, ang Hellenic at Hellenestic. Ang kulturang Hellenic ay nakapaloob lamang sa Greece. Ang kulturang Hellenestic naman ay ang pinaghalong kulturang Asyano at Greek.

PANITIKAN

Iliad - Tungkol sa sampung taong Trojan War na pinamunuan ni Haring Agamemnon at bayaning mandirigma na si Achilles ng mga Greek.
Odyssey - Nakatuon ito sa paglalakbay ng bayaning si Odysseus pabalik sa Greece matapos ang pagbagsak ng Troy.

PANANAMPALATAYA

Mount Olympus - Dito nanahan ang mga diyos at diyosa.
Zeus - hari ng mga diyos na nagtangan ng kapangyarihan ng kidlat
Hera - asawa ni Zeus at diyosa ng pagpapakasal at pag-aasawa
Aphrodite - diyosa ng pag-ibig at kagandahan
Apollo - diyos ng musika, sining at makatwirang isip
Ares - diyos ng digmaan
Athena - diyosa ng karunungan
Demeter - diyosa ng agrikultura at pagkamayabong
Hades - diyos ng underworld
Poseidon - diyos ng karagatan
Dionysus - diyos ng alak at pagsasaya

SINING

Discus Thrower ni Myron
Athena Parthenos ni Phidias
Winged Victory of Samothrace

ARKITEKTURA

Parthenon - pinakatanyag na arkitektura ng Greek
Doric - isang uri ng kolum na may payak na disenyo sa tuktok na bahagi nito
Ionic - isang uri ng kolum na may spiral o scroll shaped na capital
Corinthian - isang uri ng kolum na may disenyong dahon sa capital at madetalyeng base

ALPABETO

- Alpabetong Phoenician
- Alpabetong Greek - naging batayan ng iba pang alpabeto at wikang European

DULA AT TEATRO

Amphitheater - isang open air na tanghalan na nasa pormang kalahating bilog
Dalawang uri ng Dula
Trahedya - isang dula tungkol sa pag-ibig, digmaan, pagtataksil, at pagkamuhi
Komedya - may nakakatawa o mapanuyang tono

PILOSOPIYA

Socrates - Socrathic Method
Plato - Inakda niya ang The Republic
Aristotle - Itinatag ang Lyceum
 - itinuro niya ang tungkol sa golden mean
 - pinaunlad ang paggamit ng syllogism sa pangangatwiran
Cynism - pagtuligsa sa pagiging materyalistiko at pagtataguyod ng payak na pamumuhay
Epicureanism - ang pamumuhay nang maligaya at ang pag-iwas sa ano mang makasasakit o makapagpapahirap sa tao
Stoicism - batay dito kailangang mamuhay ang tao nang naaayon sa kalikasan at walang pakialam sa ano mang panlabas na salik

AGHAM, MEDESINA AT MATEMATIKA

Hippocrates - unang manggagamot na naniwalang ang sakit ay hindi parusa mula sa mga diyos at may natural na sanhi. Iniambag niya sa larangan ng Medesina ang Hippocratic Oath, isang kodigo ng mga wastong kaasalan sa panggagamot.
Pythagoras - sa kanya nagmula ang Pythagorean Theorem, na nagpaliwanag sa relasyon ng mga side ng isang right triangle sa isa't isa.
Euclid - iniakda niya ang The Elements of Geometry
Archimedes - inimbento niya ang compound pulley, na gamit sa pagbuhat ng mabibigat na bagay; at cylinder-screw, na ginamit sa pagbuhat ng tubig para sa patubig.

KASAYSAYAN

Herodotus - "Ama ng Kasaysayan"
 - Iniakda niya ang History of the Persian Wars
Thucydides - Sumulat ng History of the Peloponnesian War
 - tinukoy rin siya bilang kauna-unahang siyentipikong historyador

OLIMPIYADA: PAMANANG GREEK SA DAIGDIG

Stadion - 192 metrong race
Hoplitodrome - foot race suot ang buong baluti
Pentathlon - paligsahan ng mga atleta sa limang laro: jumping, javelin, sprint, discus at wrestling
Pankration - paligsahan na pinaghalong boxing at wrestling
Chariot race - paligsahan ng mga chariot

393 C.E. - Ipinatigil ng isang emperador na Roman ang Olimpiyad