Martes, Nobyembre 8, 2016

KABIHASNANG GREEK


HEOGRAPIYA AT BUHAY SA SINAUNANG GREECE

                 Mabato at binuo ng kabundukan ang malaking bahagi ng sinaunang Greece. Naging dahilan ito upang maging watak-watak ang mga sinaunang pamayanang Greece. Naging mahirap ang paglalakbay ng mga Greece sa tangway dahil dito. Ngunit, nakatulong ito laban sa mga pagsalakay. Napalibutan din naman ang Greece ng mg dagat. Ang Aegean Sea, Ionian Sea, at Mediterranean Sea. Higit na naging madali ang paglalakbay nila sa dagat kaysa sa lupa. Nakipagkalakalan din sila dahil sa kakapusan sa likas na yaman.

Nahati sa dalawa ang sinaunang Greece. Ang mga Minoan at Mycenaean.

MINOAN

                Hango ang pangalan na ito kay Minos, ang maalamat na hari ng Kahariang Minoan. Ang Knossos naman ang kabisera ng kaharian. Dito natagpuan ni Arthur Evans ang guho ng isang palasyo. Nasalamin sa naturang palasyo ang marangyang pamumuhay at maunlad na kultura ng mga Minoan.

Sapagkat gawa ang palasyo sa makinis na bato, kahoy at tanso. Mayroong labyrinth o liko-likong lagusan dito. Mayroon din itong drainage system at mga pader na napalamutian ng mga fresco. Ang fresco ay ipinintang larawan gamit ang watercolor sa basang semento. Napagtantuhang mahilig magsaya at makipaligsahan ang mga Minoan, halimbawa sa pamamagitan ng bull-leaping.

1400 B.C.E.- 1200 B.C.E. - Nakamit ng kabihasnang Minoan ang tugatog ng kapangyarihan.

200 taon - matapos nito ay bumagsak ang kabihasnan dahil sa isang sakuna.

MYCENAEAN

1900 B.C.E. - Nagsimulang maglakbay ang mga Mycenaean mula sa gitnang Asya patungong Europe.

               Nagmula sila  sa lahing Indo-European. Nagtungo sila sa Balkan Peninsula at tuluyang nanirahan sa Peloponnesus, isang tangway sa timog na bahagi ng Greece.

1400 B.C.E.-1200 B.C.E. - Naging makapangyarihan ang mga Mycenaean.

               Karaniwang mandirigma ang mga Mycenaean. Pinamunuan sila ng isang haring mandirigma. Mataas na pader ang nakapaligid sa kanilang lungsod, mahigit 15 metro ang taas neto. Naging proteksyon din ito laban sa mga mananakop. Nagkamal ang mga Mycenaean ng teritoryo at kapangyarihan sa pamamagitan ng pananakop at pananalakay. Kalaunan ay nasakop din nila ang Crete.

TROJAN WAR

                Ayon sa maalamat na salaysay ni Homer, nag-ugat ang Trojan War sa pagdukot ng prinsipe ng Troy na si Paris kay Helen, asawa ni Haring Menelaus ng Sparta. Si Menelaus ay kapatid ng hari ng Mycenae na si Agamemnon. Isang malaking kabayong kahoy ang naging dahilan upang mapasok ang lungsod ng Troy. Sa loob  nito pinagtago ang mga sundalong Greek. Sa pagsapit ng gabi, madaling nagapi at napaslang ng mga Greek ang mga Trojan na pagod at lasing.

1870 - natuklasan ni Heinrich Schliemann ang isang guho ng isang lungsod na tinatayang nagmula noong panahong iyon.

PANAHON NG KARIMLAN

11oo B.C.E. - tuluyang bumagsak ang kabihasnang Mycenaean. Ito ay dahil sa paglusob ng mga dayuhang mandaragat. Ang sumunod na 300 taon ng kasasayang Greek ay tinaguriang Panahon ng Karimlan.

              Sa panahong ito, nandayuhan ang mga Dorian sa Greece. Lumikas naman ang ilang Greek mula sa Greece patungo sa Ionia at iba pang pook na karatig sa Asia Minor. Nabalot ng kaguluhan at karahasan ang Greece patungo noong Panahon ng Karimlan. Nawalan ng sigla ang kalakalan at bumagsak ang kabuhayan. Naging mabagal din ang pag-unlad ng kultura. Nalimot din ang pagsulat at paglilok.

750 B.C.E. - Nagwakas ang panahon ng karimlan sa muling pagpapakilala ng mga Ionian Greek ng kulturang Greek sa kalakhang Greece. Ito ang nagpasimula ng Panahong Hellenic.

PANAHONG HELLENIC

800 B.C.E.-338 B.C.E. - Naganap ang Panahong Hellenic. Tinawag ng mga sinaunang Greek ang kanilang sarili na "Hellenes." Hango ang salitang ito sa pangalan ni Helen, pinaniwalaang ninuno ng mga sinaunang Greek.

ANG POLIS

                  Sa panahong ito, kinakitaan ng pag- unlad ang mga pamayanan ng Greece bunsod ng pagsila ng kalakalan. Naging daan ito sa pagbuo ng mga bayan. Ang ilan sa mga bayan na ito ay naging lungsod estado o polis.

SPARTA (Dorians)

⦁ Lokasyon: Laconia
⦁ Pangkabuhayan: Mangangalakal
⦁ Edukasyon: Pagiging Militar

ATHENS (Ionians)
⦁ Lokasyon: Attica
⦁ Pangkabuhayan: Mandaragat
⦁ Edukasyon: Kalalakihan
  1. Iliad at Odyssey
  2. Retorika
  3. Public Speaking
  4. Matematika
 Ang mga kababaihan ay nakatuon lamang sa gawaing bahay.

PAGKAKAIBA AT PAGKAKAPAREHO NG SPARTA AT ATHENS

                                   SPARTA
⦁ Kalalakihang Spartan - naglingkod bilang mandirigma
⦁  Kababaihan - karaniwang atleta at tungkulin nilang magsilang ng malulusog na anak
⦁ Ipinagbawal sa kanila ang pagpapakita ng emosyon
⦁ Iniwasan din nila ang pilosopiya, agham at sining. Naging dahilan ito upang hindi umunlad ang aspektong kultural ng Sparta.
⦁ Isang estado-militar
⦁ Pinamumunuan ng Haring militar
⦁ Nananakop
⦁ Nakatuon sa militarismo
⦁ Hindi pwedeng magpunta kung saan-saan

                            PAGKAKAPAREHO
⦁ Pagiging matanyag at maunlad sa mga Polis ng Greece

                                 ATHENS
⦁ Pwedeng magpunta kung saan-saan
⦁ Demokratikong estado
⦁ Inihanda ang mga kalalakihan upang maging pinuno
⦁ Hindi nananakop
⦁ Nakatuon lamang ang mga babae sa gawaing bahay
⦁ Hindi pinayagan ang mga babae na mag-aral
⦁ Pagsasalita sa harap ng publiko


Ikaanim na siglo B.C.E. - sinakop ng mga Persian ang polis ng Ionia. Nagapi rin ng mga Persian ang mga ito kahit na tinulungan sila ng iba pang mga Ionian Greek. Pinarusahan ni Haring Darius I ng Persia ang mga Greek sa pamamagitan ng pagwasak sa Greece.

490 B.C.E. - Nagsimula ang Graeco-Persian War. Sa labanang ito nagapi ang 25,000 Persian ng mga 10,000 mandirigmang Athenian.

480 B.C.E. - Naganap ang sumunod na sagupaan sa isang makitid na mountain pass sa Thermopylae.

⦁ Haring Leonidas - Sa pamumuno niya, ito nagtagpo ang may 300 sundalong Spartan at 200,000 Persian. Sa pagkamatay ni Darius ay pinalitan siya ng kanyang anak na si Xerxes.

Nagapi ang mga Spartan dahil sa isang traydor na Greek. Matapos nito, sinakop ng mga Persian ang Athens at sinunog ang Acropolis. Nagpatuloy ang labanang Greek at Persian. Ginapi ng mga Spartan ang natirang mandirigmang Persian sa Plataea. Naging hudyat ito sa pagwawakas ng Graeco-Persian War.

GININTUANG PANAHON NG ATHENS

Umangat ang katayuan ng Athens dahil sa tagumpay ng mga Greek laban sa mga Persian.

478 B.C.E. - Pinamunuan nila ang itinatag na Delian League. May 140 kasaping polis ang liga.

Ang layon ng Delian League ay patatagin ang depensa ng Greece laban sa mga Persian. Pinalaya ng liga ang ilang polis na sinakop ng mga Persian.

461-429 B.C.E. - Sa panahong ito natamasa ng Athens ang kanyang ginintuang panahon sa pamumuno ni Pericles. Tinawag din itong "Panahon ni Pericles." Pinatatag din niya ang pagiging demokratiko ng Athens. Pinalakas din niya ang hukbong pandagat at napaunlad ang kalakarang pandagat nito.
 Ipinagawa ni Pericles ang mga nasirang estruktura sa Athens. Ipinagawa rin sa panahong ito ang Parthenon, isang templo para sa diyosa ng karunungan at patron ng Athens na si Athena.

ANG TUNGGALIANG ATHENS AT SPARTA

  Nangamba ang ibang polis dahil sa lumalawak na impluwensya ng Athens. Sa pangunguna ng Sparta binuo nila ang Pelopponesian League.

431 B.C.E. - Humantong sa Pelopponesian War ang hidwaan ng Athens at Sparta.

404 B.C.E. - Nagapi ang mga Athenian ng Pelopponesian League. Bagama't nagwakas ang digmaan sa pagkagapi ng Athens. nanatili pa rin ang hidwaan sa pagitan ng Athens at Sparta.

PANANAKOP NG IMPERYONG MACEDONIAN

339 B.C.E. - Nagtagumpay ang Macedonian sa pagsakop sa Greece. Matapos maluklok bilang hari  si Philip II. Nagtatag siya ng isang malakas na hukbo.

338 B.C.E. - Nasakop niya ang Greece nang magapi ang mga Greek sa Battle of Chaeronea. Nagwakas ang Panahong Hellenic at nagsimula ang Panahong Hellenestic sa pagsakop ng Imperyong Macedonian sa Greece.

PANANAKOP NI ALEXANDER

336 B.C.E. - Pataksil na pinaslang ni Philip II ng kanyang mga tauhan.
Pinalitan siya bilang hari na kinilala sa kasaysayan bilang "Alexander The Great" ang anak na si Alexander.

PAGPAPALAWAK SA IMPERYO

⦁Alexander - sa ilalim ng pamumuno niya ay nasupil ang mga rebelyong Greek sa imperyo. Naisakatuparan niya ang hangarin ng ama na pabagsakin ang Imperyong Persian. Tinupad din niya ang ambisyong palawakin ang imperyo.

PAGLAGANAP NG KULTURANG HELLENISTIC

  Maging ang kulturang Greek ay napalawak ni Alexander. Nabuo ang kulturang Hellenistic mula sa paghahalo ng kulturang Greek at Asyano.

⦁ Panahong Hellenistic - hindi natali ang katapatan ng mga mamamayan sa kanilang Polis.

  Binuo ng mga Greek ang pinakamataas na antas ng tao sa lipunang Macedonian. Nagtamasa ang mga kababaihan ng mas mataas na katayuan sa lipunan. Nagkaroon sila ng karapatang mag-aral, makapaglakbay at makapaghanapbuhay.


323 B.C.E. - Namatay si Alexander, ngunit nagpatuloy ang paglaganap ng kulturang Hellenistic.

MGA PAMANANG GREEK
                Nahati sa dalawa ang kulturang nabuo sa Greece, ang Hellenic at Hellenestic. Ang kulturang Hellenic ay nakapaloob lamang sa Greece. Ang kulturang Hellenestic naman ay ang pinaghalong kulturang Asyano at Greek.

PANITIKAN

Iliad - Tungkol sa sampung taong Trojan War na pinamunuan ni Haring Agamemnon at bayaning mandirigma na si Achilles ng mga Greek.
Odyssey - Nakatuon ito sa paglalakbay ng bayaning si Odysseus pabalik sa Greece matapos ang pagbagsak ng Troy.

PANANAMPALATAYA

Mount Olympus - Dito nanahan ang mga diyos at diyosa.
Zeus - hari ng mga diyos na nagtangan ng kapangyarihan ng kidlat
Hera - asawa ni Zeus at diyosa ng pagpapakasal at pag-aasawa
Aphrodite - diyosa ng pag-ibig at kagandahan
Apollo - diyos ng musika, sining at makatwirang isip
Ares - diyos ng digmaan
Athena - diyosa ng karunungan
Demeter - diyosa ng agrikultura at pagkamayabong
Hades - diyos ng underworld
Poseidon - diyos ng karagatan
Dionysus - diyos ng alak at pagsasaya

SINING

Discus Thrower ni Myron
Athena Parthenos ni Phidias
Winged Victory of Samothrace

ARKITEKTURA

Parthenon - pinakatanyag na arkitektura ng Greek
Doric - isang uri ng kolum na may payak na disenyo sa tuktok na bahagi nito
Ionic - isang uri ng kolum na may spiral o scroll shaped na capital
Corinthian - isang uri ng kolum na may disenyong dahon sa capital at madetalyeng base

ALPABETO

- Alpabetong Phoenician
- Alpabetong Greek - naging batayan ng iba pang alpabeto at wikang European

DULA AT TEATRO

Amphitheater - isang open air na tanghalan na nasa pormang kalahating bilog
Dalawang uri ng Dula
Trahedya - isang dula tungkol sa pag-ibig, digmaan, pagtataksil, at pagkamuhi
Komedya - may nakakatawa o mapanuyang tono

PILOSOPIYA

Socrates - Socrathic Method
Plato - Inakda niya ang The Republic
Aristotle - Itinatag ang Lyceum
 - itinuro niya ang tungkol sa golden mean
 - pinaunlad ang paggamit ng syllogism sa pangangatwiran
Cynism - pagtuligsa sa pagiging materyalistiko at pagtataguyod ng payak na pamumuhay
Epicureanism - ang pamumuhay nang maligaya at ang pag-iwas sa ano mang makasasakit o makapagpapahirap sa tao
Stoicism - batay dito kailangang mamuhay ang tao nang naaayon sa kalikasan at walang pakialam sa ano mang panlabas na salik

AGHAM, MEDESINA AT MATEMATIKA

Hippocrates - unang manggagamot na naniwalang ang sakit ay hindi parusa mula sa mga diyos at may natural na sanhi. Iniambag niya sa larangan ng Medesina ang Hippocratic Oath, isang kodigo ng mga wastong kaasalan sa panggagamot.
Pythagoras - sa kanya nagmula ang Pythagorean Theorem, na nagpaliwanag sa relasyon ng mga side ng isang right triangle sa isa't isa.
Euclid - iniakda niya ang The Elements of Geometry
Archimedes - inimbento niya ang compound pulley, na gamit sa pagbuhat ng mabibigat na bagay; at cylinder-screw, na ginamit sa pagbuhat ng tubig para sa patubig.

KASAYSAYAN

Herodotus - "Ama ng Kasaysayan"
 - Iniakda niya ang History of the Persian Wars
Thucydides - Sumulat ng History of the Peloponnesian War
 - tinukoy rin siya bilang kauna-unahang siyentipikong historyador

OLIMPIYADA: PAMANANG GREEK SA DAIGDIG

Stadion - 192 metrong race
Hoplitodrome - foot race suot ang buong baluti
Pentathlon - paligsahan ng mga atleta sa limang laro: jumping, javelin, sprint, discus at wrestling
Pankration - paligsahan na pinaghalong boxing at wrestling
Chariot race - paligsahan ng mga chariot

393 C.E. - Ipinatigil ng isang emperador na Roman ang Olimpiyad

1 komento: